Pagbuo sa IRR ng Anti-Terrorism Law, pwedeng madaliin ayon sa DILG

Maaaring pabilisin ang pagbuo ng Implementing Rules and Regulations (IRR) ng Anti-Terrorism Law.

Ito ang pahayag ng Department of the Interior and Local Government (DILG) kasunod ng sinabi ni Justice Secretary Menardo Guevarra na dapat hintayin ang IRR ng batas bago ipatupad ito.

Ayon kay Interior Secretary Eduardo Año, bagama’t pabor siya sa pahayag ni Guevarra, hindi naman ito requirement para agad na maipatupad ang batas.


Iginiit ni Año na pagkatapos ng 15 araw nang mailathala ang batas, maikukonsidera nang epektibo ang batas.

Ang Anti-Terrorism Act ay dapat ipatupad kapag mayroong banta ng terorismo.

Nabatid na nilagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang batas noong July 3 at naging epektibo noong July 18.

Ang Department of Justice at Anti-Terrorism Council, katuwang ang law enforcement at military ay inatasang bumuo ng IRR sa loob ng 90 araw mula nang naging epektibo ang batas.

Facebook Comments