Inihahanda na ni Senator Joel Villanueva ang Senate Resolution na magsusulong ng pagbusisi sa mga aktibidad ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC).
Target din ng hakbang ni Villanueva na masilip kung paano ginagastos ng NTF-ELCAC ang P19-bilyon pondo nito.
Ginawa ito ni Villanueva, sa harap ng isyu kaugnay sa profiling at red tagging umano ng NTF-ELCAC sa mga organizers ng community pantry.
Ayon kay Villanueva, kailangang matiyak na epektibong nagagampanan ng NTF-ELCAC ang mandato nito.
Layunin din ng hakbang ni Villanueva na mapag-araln ang liderato ng NTF-ELCAC, pati ang mga estratehiya at programa nito.
Facebook Comments