Delivery boy, arestado dahil sa hindi pagsusuot ng facemask at makuhaan ng baril sa Las Piñas City

Nahuli ng mga tauhan ng Las Piñas City Police Station ang isang delivery boy sa Barangay Elias Aldana, Las Piñas City.

Ito ay matapos na maaktuhang walang suot ng facemask at makuhaan ng baril.

Ang naaresto ay kinilalang si Renato Seraffin, 30-anyos residente ng naturang lungsod.


Sa ulat ng Southern Police District (SPD), nagsasagawa ng Oplan Galugad ang mga pulis sa lugar nang makita ang naarestong suspek na walang suot facemask.

Sinita nila ito at nang kapkapan ay nakuha sa kanya isang revolver caliber 38.

Sa ngayon, nahaharap na ang suspek sa kasong paglabag sa Republic Act 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act, at ang paglabag sa Mandatory Wearing of Face Mask.

Facebook Comments