Pagbuwag ni Pangulong Duterte sa Negros Island Region, ikinalungkot nina Senators Zubiri at Aquino

Manila, Philippines – Bagamat malungkot ay nirerespeto ni Senator Juan Miguel Zubiri ang desisyon ni Pangulong Rodrigo Duterte na buwagin ang Negros Island Region o NIR.

Ayon kay Zubiri, isa sya sa kumilos noon para kilalanin ang NIR kung saan inihain pa niya ang senate resolution no. 203 noong october 17, 2016.

Naniniwala din si Zubiri na may gagampanang papel ang mga lalawigan nasasakop ng nir sa isinusulong ng pangulo na pederalismo.


Pero sa kabila ng hakbang ng pangulo, ay tiniyak ni Zubiri na gagawan niya ng paraan na mapondohan ang development programs para sa nabanggit na mga lalawigan.

Nagpahayag naman ng pangamba si Senator Bam Aquino na ang ginawa ng pangulo ay magpapahina sa pag-unlad ng ekonomiya at at pag-angat mula sa kahirapan ng nasabing rehiyon.

Ipinaalala din ni aquino na ang inihain niya noong senate resolution no. 212 kung saan niya tinikoy ang layunin ng NIR na pabilisin ang pag-unlad at paghahatid ng serbisyo sa mga siyudad at munisipalidad na bumubuo sa Negros Occidental at Negros Oriental.

Sa kanyang resolusyon, ipinunto pa ni Sen. Bam na kailangang isaalang-alang ng pamahalaan ang malawak na potensiyal at pangmatagalang epekto ng pagkakaroon ng administration center sa Negros Island.

Facebook Comments