Pagbuwag sa Anti-Red Tape Authority, hirit ng Office of the Ombudsman

Sa pagdinig ng House Committee on Justice na pinamumunuan ni Rep. Juliet Ferrer ay iginiit ni Ombudsman Samuel Martires ang pagbuwag sa Anti-Red Tape Authority o ARTA.

Paliwanag ni Martires, ang mga tungkulin ng ARTA ay “solely belongs” o para lamang sa Ombudsman.

Kaya naman hiling ni Martires sa Kongreso, amyendahan o repasuhin ang ARTA Law na isang “unconstitutional law” dahil tila inaagaw o binabangga nito ang kapangyarihan ng Ombudsman.


Kaugnay nito ay plano ni Martires na sumulat kina House Speaker Ferdinand Martin Romualdez, Senate President Juan Miguel Zubiri, at sa chairman ng Justice committee para sa pagbuwag sa ARTA.

Bukod dito ay hiniling din ni Martires sa Kongreso na maamyendahan ang RA 10660 o New Sandiganbayan Law.

Facebook Comments