Recruitment activities at marami pa, asahan mula sa PESO San Juan

Proyektong ikatutuwa ng mga taga San Juan, ‘yan ang aasahan ng marami sa magandang balitang dala ng PESO San Juan.

Ayon kay PESO Manager Richard Matriano, simula bukas ay magkakaroon ng recruitment activity sa tanggapan ng PESO na matatagpuan sa ikalawang palapag ng City Hall ng San Juan.

Ito ay pwedeng daluhan simula bukas ng alas-9:00 ng umaga hanggang alas-4:00 ng hapon na magtatagal din hanggang sa Sept. 16.


Bukod pa riyan ay mga gagawing seminar para matulungan ang mga kasambahay ng San Juan na malaman ang kanilang mga karapatan sa paggawa.

Sa Nobyembre naman ay may livelihood project na asahan para sa mga magulang ng mga batang nasadlak sa child labor.

Ilan lang yan sa mga aasahang proyekto mula sa Peso San Juan.

Labis din ang pasasalamat ni Peso Manager Richard Matriano sa pagdalaw ng Radyo Trabaho Team.

 

Facebook Comments