Pagbuwag sa political dynasty, magiging mahirap kahit pa ipatupad ang Federalism sa bansa

Manila, Philippines – Aminado ang Centrist Democracy Political institute na mahirap paring sugpuin ang Political Dynasty sa bansa kahit pa ipatupad ang Federal Form of Government.

Ayon kay Lito Lorenzana, ang Presidente ng CDPI sa briefing sa Malacanang, kabilang sa kanilang isinusulong kasabay ng pederalismo ay ang paglikha ng batas na bubuwag sa political dynasties sa bansa na siya namang magpapatupad ng article 2 section 26 ng 1987 constitution.

Pero sinabi nito na hindi magiging madali ang pagsasakatuparan nito dahil kailangan nito ng political power ng isang pangulo.
Sa ngayon aniya ay aabot sa 80% sa mga local na pamahalaan ang political dynasty kung saan magkakamaganak ang nauupo sa mga posisyon sa gobyerno.


Facebook Comments