Inatasan ng lokal na pamahalaan ng Manaoag ang mga pampubliko at pribadong establisyimento na gawing regular ang pagchecheck ng vaccination card ng isang indibidwal bago papasukin sa kanilang tanggapan kabilang na dito ang mga simbahan.
Ilan sa mga dinadayo dito ng mga deboto ay ang Minor Basilica of Our Lady of Manaoag.
Kung dati ay contact tracing form at temperature lamang, obligado na itong hanapan ang mga papasok sa simbahan ng kanilang vaccination card kontra COVID-19 bilang pag-iingat sa banta ng Omicron Variant.
Ang mga indibidwal na hindi pa bakundo o nakatanggap lamang ng isang doses ng kanilang bakuna ay pinapayuhang manatili sa kanilang tahanan.
Hindi rin pinapayagang makapasok ang mga edad 12 pababa sa nasabing lugar dahil sa wala pang bakuna ang mga ito kontra COVID-19.
Samantala, ang mga returning residents ay kailangang magpakita ng kanilang ID bilang proof of residente at fully vaccination card. | ifmnews