PAGCOR at Chinese Embassy, nagsanib pwersa kontra Chinese illegal workers sa mga POGOs

Ikinatuwa ng Philippine Amusement Gaming Corporation (PAGCOR) ang naging hakbang ng Chinese Embassy sa Pilipinas hinggil sa pag-suheto sa mga Chinese nationals na may criminal records at iligal na nagtatrabaho sa bansa.

Ang nasabing crackdown ay resulta ng regular na koordinasyon ng PAGCOR sa Chinese embassy at iba’t-ibang law enforcement agencies para masiguro ang pagpapatupad ng tamang regulasyon.

Bunsod ng naturang hakbang ng china, ang mga iligal Chinese workers na sangkot sa iba’t-ibang cybercrime fraud, kabilang ang mga empleyado ng Philippine Offshore Gaming Operations (POGOs) ay mananagot na sa batas.


Dahil dito patuloy ang gagawing pakikipag-ugnayan ng PAGCOR sa Chinese Embassy at iba’t-ibang law enforcement agencies para tumulong na maaresto ang mga illegal aliens at maparusahan ang mga employers nito na nagkakanlong sa mga puganteng intsik.

Samantala, nanawagan ang PAGCOR sa lahat POGO operators na isuko ang kanilang mga illegal workers sa Chinese Embassy maging ang mga pinaghihinalaang may mga criminal liabilities.

Ang state-run gaming agency ay patuloy na nakikipag-ugnayan sa lahat ng concerned agencies tulad ng Department of Justice o DOJ para sa pagbuo ng operations center kung saan dadaan ang lahat ng problema na may kinalaman sa illegal gambling at cybercrimes.

Sa pamamagitan nito ay matitiyak na ang lahat ng aksyon ng mga enforcement agencies ay naayon sa batas.

Facebook Comments