Nagsanib pwersa ang Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR), at ang Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) para tumulong sa mga ibat ibang local government units (LGUs) sa Luzon na apektado ng Corona Virus Disease-2019 (COVID-19).
Ayon sa pagcor mahigit sa 47,000 food packs na binili ng POGOs ang kanilang naihatid sa iba’t- ibang komunidad sa National Capital Region (NCR), Benguet, Bulacan, Pampanga at Tarlac.
Sa pahayag ni PAGCOR Vice President for Corporate Social Responsibility Jimmy Bondoc, naglaan ang pogo ng 60 million pesos para sa nasabing food packs.
Maliban sa nasabing halaga, nakapagbigay na rin ng 90 million pesos ang POGO para naman sa pagbili ng mga medical supplies para sa mga public hospitals na may mga covid19 patients.
Dagdag pa ng PAGCOR, aabot na sa 150 million pesos ang kabuuang naidodonate ng pogos habang ang gaming agency naman ay nakapag- ambag na ng P20.5 billion para sa laban ng gobyerno kontra COVID-19.