PAGCOR magbibigay ng food assistance para sa mga mahihirap nating mga kababayan

Maglalaan ang Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) na P100Million worth of food assistance para sa mahihirap nating mga kababayan na lubhang apektado ng Enhanced Community Quarantine dahil sa banta ng COVID-19.

Sa Laging handa public press briefing sinabi ni PAGCOR Chairwoman Andrea Domingo na ito ay bukod pa sa P2.5B na ayuda nila sa Department of Health (DOH) bilang pandagdag sa pambili ng ahensya ng mga testing kits at iba pang medical supplies.

Ilalabas narin ng PAGCOR ang kanilang P12B dividends nuong 2019 sa darating na March 24.


Samantala sinabi din ni Chairman Domingo na magbibigay din ng P50M food packages ang City of Dreams, P50M mula sa Resorts World habang ang Okada Mla ay magbibigay naman ng 3 testing machines sa pamahalaan gayundin ng P50M worth food packs.

Maging ang kontrobersyal na Philippine Offshore Gaming Operators o POGO ay magbibigay din ng tulong pinansyal.

P90M ang ilalaan para pambili ng gamot at testing kits habang ang P60M naman ay pambili ng pagkain ng ating mga mahihirap na kababayan.

Facebook Comments