PAGCOR nilinaw ang naging pahayag ng COA na nalulugi ang Casino Filipino Manila Bay

Walang katotohanan ang naging ulat ng Commission on Audit (COA|) na nalulugi ng mahigit na 2 bilyong piso ang Casino Filipino Manila Bay.

Ito ang ginawang paglilinaw ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR), sa lumabas na report ng COA na ang  Casino Filipino Manila Bay ay nalulugi ng  P2.11 billion sa loob ng limang taon.

Base sa COA’s Audit Observation Memorandum No. 2019-011 (18) April 29, 2019 nakasaad na ang Casino Filipino Manila Bay ay may malaking pagkalugi sa loob ng limang taong tuloy-tuloy na operations.


Nilinaw kaagad ng PAGCOR na ang  Casino Filipino  Manila Bay ay nagsimula pa lang ng operation noong August 2017, wala pang dalawang taon sila nag-o-operate taliwas sa P2.11 billion halaga ng nalulugi na report ng COA, na may petsang 2014, ay hindi tama dahil ang  Casino Filipino Manila Bay  ay wala pang dalawang taon.

Hindi naman maibigay ni Sobejana ang konkretong aksyon na kanilang gagawin upang hindi ma-preempt ang kanilang gagawing operasyon.

Ibinida ng PAGCOR na simula ng operations noong 2017, ang Casino Filipino Manila Bay ay nakapag-ambag ng kabuuang P875.58 million kabilang ang  50% government share, The Philippine Sports Commission, The Bureau of Internal Revenue para sa  5% franchise tax at ng  host cities’ share.

Paliwanag ng PAGCOR katunayan umano ang Casino Filipino Manila Bay ay tuloy ang paglago na nagresulta ng pagtaas ng kita mula sa monthly average na P4.22 million noong 2017 hanggang P13.38 million noong 2018.

Nanatiling matatag ang PAGCOR sa kanilang mandato na tuloy-tuloy ang pagbibigay ng suporta sa lahat ng mga proyekto ng Duterte administration upang mapaglingkuran at mabigyan ng magandang kinabukasan ang sambayanang Pilipino.

Facebook Comments