Maituturing na banta sa seguridad ang paglalayag ng mga Chinese warships sa bansa.
Ayon kay AFP Spokesperson Brigadier General Edgard Arevalo, ang palihim na paglalayag ng Chinese warships sa Sibutu Strait ay malinaw na hindi innocent passage na pinapayagan sa ilalim ng UNCLOS.
Pero pagtitiyak ni Arevalo, gumagawa na ng report ang AFP na kanilang isusumite sa Department of Foreign Affairs (DFA) at kay Pangulong Rodrigo Duterte sa pamamagitan ng Department of National Defense (DND).
Nakakabahala naman ito sa panig ng Malacañang.
Ayon kay Presidential spokesman Salvador Panelo, hindi ito gawain ng isang kaibigan at isa rin itong paglabag sa United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS).
Pero ipauubaya na aniya nila sa DFA kung muli itong maghahain ng protesta.
Base sa ulat ng AFP Western Mindanao Command, tatlong beses na dumaan ang mga barko ng China sa Sibutu Strait ngayong buwan.