Pagdagdag ng motorcycle lane sa EDSA, pinag-aaralan ng DOTr

PHOTO: ARIS ILAGAN

Pinag-aaralan na ng Department of Transportation (DOTr) at iba pang ahensya ng gobyerno ang posibeng pagdagdag ng motorcycle lane sa EDSA.

Ayon kay Transportation Secretary Jaime Bautista, base sa pag-aaral mahigit-kumulang 170,000 ang bilang ng mga motorsiklong dumadaan sa EDSA araw-araw.

Ang pagkakaroon ng dedicated lane para sa mga motorsiklo ay isa sa mga nakikitang solusyon upang maibsan ang problema sa trapiko sa kahabaan ng EDSA.


Dagdag pa ni Bautista, nagkaroon na ng inisyal na pag-uusap mula sa kanilang hanay at Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) patungkol sa planong ito.

Kasalukuyang may apat na lanes ang EDSA, ang isa rito ay nakalaan para sa mga bus at sa kanang bahagi ay para sa mga bisikleta.

Nakikitang idadagdag ang motorcycle lane sa tabi ng bicycle lane.

Facebook Comments