Pinalagan ng ilang Political Expert ang pagdadag pa ng panibagong siyam (9) na Deputy Speaker sa Kamara.
Ayon kay Manila Economic and Cultural Office (MECO) Chairman Lito Banayo, tila naging “cheap” na ang posisyong Deputy Speaker sa House of Representatives matapos na dagdagan pa ito ni House Speaker Lord Allan Velasco ng mga miyembro na ngayon ay umabot na sa kabuuang 28 posisyon.
Banat ng opisyal, ginawang “pabuya” ni Velasco ang posisyon sa kanyang mga kaalyadong kongresista na sumuporta sa kanya sa nangyaring Speakership row sa pagitan nila ni dating House Speaker Lord Allan Velasco.
Dahil dito, lalo lamang aniya nitong pinababa ang imahe, dignidad at self respect ng Kamara.
Nabatid na Kung dati ay tatlo lamang ang Deputy Speaker na kumakatawan sa Luzon, Visayas at Mindanao, ngayong 28 na ang mga ito na lumalabas na sa bawat isang Deputy Speaker ay sampung mambabatas na lamang ang hawak nito.
Ganito rin ang tingin ng batikang political analyst na si Ramon Casiple na aniya ay masyado nang pinahahalata ni Velasco na ang galawan sa Kamara ay bilang paghahanda sa 2022 eleksyon.
Ayon kay Casiple, sa dinagdagan nito ang bilang ng Deputy Speaker ay dinagdagan din nya ng ilang bilyong piso ang infrastructure budget ng mga kaalyadong kongresista.
Una nang sinabi ni Casiple na matuturing nang scandal ang pagkakaroon ng 28 Deputy Speaker dahil hindi kailangan ang ganitong kadami sa posisyon na wala namang nagagawa maliban sa dagdag gastos.
Ang deputy speakership ay isang plum post sa Kamara dahil bukod sa pagiging senior position ay may kaakibat din ito na mga perks gaya ng budget na P200 Million at pagkakaroon ng voting powers sa mga committee.