Ipinanawagan ni Antique Representative Loren Legarda na taasan ang 2022 budget ng mga ahensiyang may mga programang nagbibigay ng trabaho sa mga Pilipino.
Sa interview ng RMN News Nationwide, sinabi ni Legarda na mayroon nang batas para dito at kinakailangan na lamang itong palakasin sa pamamagitan ng pagbibigay ng karagdagang pondo.
Iginiit din ni Legarda na dapat nakasunod ang ating pandemic recovery programs sa magna carta of the poor upang matulungan silang makabangon mula sa epekto ng COVID-19 crisis.
Bunsod nito, kinakailangan aniyang taasan ang pondo para sa sustainable livelihood program na nakatutulong sa mga Pilipinong nawalan ng trabaho dahil sa mga lockdown.
Facebook Comments