REGISTRATION PARA SA PAGBABAKUNA NG MGA EDAD 12-17, BINUKSAN NA SA BANI

BANI, PANGASINAN – Binuksan na ng lokal na pamahalaan ng Bani ang online registration para sa mga nais magpabakuna kontra COVID-19 sa mga nasa edad 12-17.

Ito ay batay sa post ng PIO sa bayan kung saan ito ay ibinase rin sa pag-apruba ng pamahalaang pambansa, partikular ni pangulong Duterte sa vaccination ng nakababatang populasyon laban sa virus.

Ibinigay naman ng lgu ang site link sa kanilang Official Facebook Page para sa mga interesadong makilahok sa vaccination drive ng pamahalaan.


Ayon naman sa RHU, ang mga bakunang Pfizer o Moderna ang posibleng iturok sa mga ito depende sa suplay at schedule naman ng vaccination.

Muli namang hinikayat ng LGU ang mga residente na magpabakuna na laban sa nakahahawang sakit.

Facebook Comments