PAGDAGSA NG BEACHGOERS SA ARAW NG MGA PUSO, INAASAHAN NA NG ILANG COTTAGE OWNERS SA TONDALIGAN BEACH

Inaasahan na ng ilang cottage owners sa bahagi ng Tondaligan Beach ang pagdami ng mga beachgoers sa nalalapit na Araw ng mga Puso.

Ayon sa kanila, magandang panahon ito para sila ay kumita, kasabay ng nalalapit na rin umanong summer season.

Maaaring makapag-avail ng cottage sa halagang 500 piso na maaari nang gamitin sa buong araw na pagbisita ng mga lokal at dayuhang turista.

Maaari naman itong umabot sa higit isang libong piso depende sa demand, lalo na sa mga araw ng holidays at iba pang pagdiriwang at kapistahan.

Mayroon din umanong mas mababang alok na presyo ng cottage para sa mga magkakaibigang kabataan na pasok sa kanilang budget.

Ang ilan naman umano sa mga kabataan ay hilig ang pamamasyal sa tabing-dagat, habang kadalasan ng kanilang mga kostumer ay mga pamilyang nagsasagawa ng reunion o salu-salo. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments