Umaasa ang Bureau of Immigration (BI) sa unti-unting pagdagsa ng inbound passengers sa bansa matapos alisin ng pamahalaan ang COVID-19 test requirement sa mga biyaherong fully vaccinated at may booster shot kontra COVID-19.
Sinabi ni Bi Spokesperson Dana Sandoval na pumapatak na sa 15,000 ang daily average arrival sa bansa ngayon matapos ang dahan-dahang pagluwag sa travel restrictions simula noong Pebrero.
Sa kabila nito, ayon kay Sandoval ay malayo pa ito sa naitatalang bilang bago ang pandemya na 45,000 passengers.
Samantala, nakahanda ang BI sakaling kailanganing higpitan ang borders dahil naman sa banta ng Monkeypox sa bansa.
Facebook Comments