31 katao, patay sa stampede sa isang church event sa Nigeria

53

Aabot sa 31 katao ang nasawi kahapon matapos magkagulo ang mga tao sa church event sa South Nigeria.

Ito ang kinumpirma ng local police sa bansa matapos ipinamamahagi ang pagkain sa lungsod ng Port Harcourt sa naturang bansa.

Batay sa ulat, ang naturang church event ay inorganisa ng King’s Assembly Church upang maghandog ng pagkain at regalo sa mga mahihirap sa isang sports field.


Hindi ito ang unang pangyayari na makapagtala ng trahediya dahil sa pamamahagi ng pagkain matapos maitala noong nakaraang taon ang pitong nasawing kababaihan matapos ang isang aid agency food program sa North Borno.

Facebook Comments