Pagdagsa ng mga pasahero sa Batangas Port, tinututukan din ng Philippine Coast Guard

Tinututukan na rin ng Philippine Coast Guard (PCG) and PCG Auxiliary (PCGA) ang mga pasaherong patungo sa Puerto Galera mula sa Batangas Port.

Ngayong Miyerkules Santo ay umaabot na rin sa mahigit 6,000 na mga pasahero ang tumawid patungong Calapan, Oriental Mindoro mula Batangas City.

Samantala, patuloy rin na binabantayan ng PCG personnel ang lagay ng mga pasahero sa RoRo passenger terminal ng Bredco Port, Bacolod City.


Sa kabila ng pagdagsa ng mga pasahero, nananatiling maayos ang daloy ng mga tao, kargamento, at sasakyan, gayundin ang maritime transport operations sa naturang pantalan.

Facebook Comments