Pagdagsa ng mga taong nais magpaturok ng Pfizer vaccines, posibleng maging “superspreader” ng COVID-19

Nagbabala ang isang health expert na posibleng maging “superspreader” ng COVID-19 ang pagdagsa ng mga tao para magpaturok ng Pfizer vaccine.

Ayon kay dating National Task Force Against COVID-19 Special Adviser Dr. Tony Leachon, isa sa mga factor kung bakit dinudumog ng mga tao ang Pfizer ay dahil sa science-based approach at tagumpay ng paggamit nito sa Israel, UK at United States.

Matatandaang kahapon, libu-libo ang pumila para sa vaccine rollout ng Pfizer sa Maynila at Parañaque na karamihan ay walang kumpirmadong vaccination appointment.


Paulit-ulit naman ang paalala ng Department of Health (DOH) sa publiko na magparehistro muna bago magtungo sa vaccination site.

Facebook Comments