Nakahanda na ang AirAsia sa pagdagsa ng Overseas Filipino Workers (OFW) mula Singapore ngayong papalapit ang holiday season.
Kasabay nito, ang pagbubukas ng operasyon ng AirAsia sa Changi International Airport Terminal 4 sa Singapore.
Ayon kay AirAsia Philippines Chief Executive Officer Ricky Isla, mas mainam din na magpa-book ng mas maaga para makakuha sila ng mas murang airfare.
Inanunsyo rin ni CEO Isla na asahan pa ang pagbaba ng presyo ng kanilang plane tickets sa mga susunod na araw.
Ito ay matapos na bumaba ang fuel surcharge sa Level 9 mula sa mula sa dating Level 12.
Sa ngayon, ang AirAsia ay may apat na beses kada linggo na flight mula Manila hanggang Singapore.
Ito ay kada Lunes, Miyerkules, Biyernes at Sabado at posibleng maging araw-araw na ito sa mga susunod na buwan.
Bukod ito sa bubuksan ng AirAsia na direct flight mula Cebu patungong Singapore.
Sa ngayon, 200,000 ang mga Pilipinong nagtatrabaho at naninirahan sa Singapore.