Pagdagsa ng Turista sa Baguio, Dumarami!

Baguio, Philippines – Ayon kay Tourism Operations Officer 1 Rhey J. Delmendo, Marami na ang dumagsa sa siyudad ng Baguio, Dahil na rin sa Summer Vacation na.

Kasalukuyan ay hindi pa nila masasabi kung ilan na ang bilang ng mga pumunta sa Summer Capital ng Pilipinas pero asahan na ng mga taga Baguio na mas marami pang turista ang aakyat sa mga susunod na araw, May mga aktibidad pa na inihahanda ang siyudad na aabangan ng mga taga Baguio at mga bibisita dito. Kasalukuyan ay bukas pa ang Bazaar sa Burnharm Park at Harrison Road. 

Matatandaang nalalapit na ang pagsasara ng Boracay para sa rehabilitasyon sa probinsya ng Aklan kaya mas madodoble ang mga turistang aakyat ng Baguio para magbakasyon at magpalamig.


Ikaw idol, saan ka pupunta ngayong bakasyon?

Facebook Comments