PAGDAGSA NG TURISTA SA HUNDRED ISLANDS NATIONAL PARK SA ALAMINOS CITY, PINAGHAHANDAAN NA

Pinaghahandaan na ng lokal na pamahalaan ng Alaminos at ng City Tourism Office ang pagdagsa ng turista ngayong taon sa Hundred Islands National Park (HINP) sa lungsod ng Alaminos, Pangasinan.
Inaasahan na sa buwan ng Abril hanggang Hulyo ang peak ng pagdagsa ng mga turista sa Hundred Islands National Park.
Matatandaan na noong taong 2022 ay nakapagtala ng nasa 400K na tourist arrivals simula noong Enero hanggang Disyembre ng nakaraang taon.

Ngayong bukas na ito sa publiko gayundin ang iba pang karagdagang lugar sa HINP na tinatawag na Ramos Island, at ang 14 pang island ay patuloy na ang nagiging paghahanda ng CTO ng lungsod.
Samantala, kasama sa paghahandang isinasagawa ang pagdaragdag din ng mga tourist guide upang maayos ang magiging pag-accommodate sa mga turistang dadagsa sa nasabing atraksyon. |ifmnews
Facebook Comments