Magsasagawa ng imbestigasyon ang National Bureau of Investigation (NBI) para malaman kung sino ang responsable sa pagdagsa sa Maynila ng nasa higit 300 miyembro ng Badjao indigenous people mula Zamboanga City.
Ang mga badjao ay sinagip noong Biyernes, June 4 sa Manila North Harbour Seaport ng mga tauhan ng Philippine National Police (PNP).
Ayon kay Justice Secretary Menardo Guevarra, chairperson ng Inter-Agency Council Against Trafficking (IACAT), nababahala sila sa pagdagsa ng mga katutubong Badjao sa Kamaynilaan at posibleng biktima sila ng trafficking.
Pauuwin muli sa Zamboanga ang mga nasagip na Badjao.
Ang iba naman ay inilagay sa isolation facility at nananatili sa temporary shelter sa ilalim ng Balik Probinsya, Bagong Pag-asa program.
Facebook Comments