Papagbawal na muna ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) ang pagtanggap ng dalaw para sa mga inmates na nasa kanilang pasilidad.
Ito ay para maiwasan ang pagkalat o pagpasok ng COVID-19 sa mga piitan.
Ayon kay Jarins Xavier Solda, taga-pagsalita ng BJMP pag sapit ng alas dose ng tanghali ngayong araw ay hindi na sila magpapapasok sa mga dadalaw.
Sa ngayon, mayroong 42 na jail facility ang BJMP sa buong Metro Manila
Sa ngayon, hindi pa tiyak kung hanggang kailan ipapatupad ang nasabing kautusan.
Facebook Comments