Blangko pa ang Comelec kung dadalo ang Pangulong Duterte sa proklamasyon ng mga nanalong senador at party-list.
Gayunman, sinabi ni Comelec Spokesman James Jimenez na pinaghahandaan nila ang pupuwestuhan ng pangulo at ng kanyang entourage sa venue ng proklamasyon
Aniya, ina-asahan na rin nila ang pagdating ng maraming bisita sa araw ng proklamasyon
Tiniyak naman ni Jimenez na hindi magsasapaw ang media sa pagkuha ng larawan at video, sa ina-asahang pagbitbit ng kanya-kanyang photographers ng mga manunumpa lalo na ang party-list na may malaking bilang.
Facebook Comments