Pagdalo ni Senadora Leila De Lima sa mga pagdinig ng Senado hinggil sa death penalty bill, haharangin ng Dept. of Justice

Manila, Philippines -Haharangin ng Department of Justice (DOJ) anganumang hakbang na makadalo si Senator Leila De Lima sa pagdinig ng senadohinggil sa dealth penalty bill.
 
Nabatid na balak ni Senate Minority Leader Franklin Drilon nahihilingin nila ng kanyang mga kasamahan sa liberal party sa korte na payagansi De Lima na dumalo sa mga sesyon at committee hearings lalo na sa malalaki atimportanteng legislative agenda.
 
Ayon kay Justice Secretary Vitaliano Aguirre II – nakakulong si DeLima kaya’t limitado ang mga karapatan at pribelihiyo nito.
 
Una nang sinabi ni De Lima na gusto niyang makibahagi sa mgadeliberasyon sa ilang mahahalagang panukala dahil trabaho niya ito bilangmambabatas.
 
Kasalukuyang nakakulong si De Lima sa PNP custodial center dahilsa pagkakasangkot ng kalakalan ng ilegal na droga sa New Bilibid Prison.

Facebook Comments