Pagdami ng chinese nationals sa bansa, hindi pa maituturing na banta sa ating seguridad

Para kay Senate President Tito Sotto III, hindi pa maituturing na banta sa ating seguridad ang pagdagsa ng mga chinese national sa ating bansa.

Reaksyon ito ni Sotto sa pagkonsidera ni National Security Adviser Hermogenes Esperon na security threat ang lumalaking bilang ng mga chinese nationals sa bansa na hindi malinaw ang tunay na intensyon.

Pero ayon kay Sotto, gusto natin na pumasok ang maraming dayuhang turista sa bansa dahil malaking tulong ito sa ating tourism industry.


Kaugnay nito ay kinatigan din ni Sotto ang suhestyon ni Foreign Affairs Secretary Teddy Boy Locsin na itigil na ang ating polisiya ng pag-iisyu ng visa sa mga dayuhan kapag sila ay nakarating na sa ating bansa.

Facebook Comments