Pagdami ng mga bansang nangangailangan ng Vaccination Certificate kontra Polio, hindi dapat ikabahala

Hindi dapat ikabahala ang tumataas na bilang ng mga bansang humihingi ng Polio Vaccination Certificates mula sa mga Pilipinong Biyahero.

Ito ang iginiit ng Department of Health (DOH) matapos mag-require ang 19 na bansa mula sa Filipino Travelers na magsumite ng patunay na nakatanggap sila ng Polio Vaccine bago umalis ng Pilipinas.

Ayon kay Health Sec. Francisco Duque III, hindi ito nangangahulugang kumakalat ang Polio sa bansa.


Aniya, bahagi ito ng protocols ng ibang bansa alinsunod sa guidelines on communicable diseases ng World Health Organization (WHO).

Base sa listahan ng WHO, ang mga bansang humihingi ng International Certificate of Vaccination Against Polio:

  • Afghanistan
  • Belize
  • Brunei Darussalam
  • Georgia
  • India
  • Indonesia
  • Iran
  • Iraq
  • Jordan
  • Lebanon
  • Maldives
  • Morocco
  • Oman
  • Pakistan
  • Qatar
  • Saint Kitts and Nevis
  • Saudi Arabia
  • Seychelles
  • Ukraine
Facebook Comments