PAGDAMI NG MGA NABABAKUNAHAN SENYALES NA MASAYA AT LIGTASANG PAGDIRIWANG NG PASKO SA PANGASINAN

Pumalo na sa 1.4 milyong indibidwal ang bilang ng mga nabakunahan kontra COVID-19 sa Pangasinan. Sa nasabing bilang higit 780,000 ang fully vaccinated.

Malapit na ito sa target na 70% herd immunity ng probinsiya laban sa pandemya.

Ayon kay Dra. Anna De Guzman, Provincial Health Officer, dahil sa pagdami ng mga nagpapabakuna kontra sa sakit, senyales ito na magiging masaya at ligtas ang pagdiriwang ng Pasko sa probinsiya ngayong taon.


Sinabi din ni De Guzman na muli ng makakabangon ang ekonomiya dito na naapektuhan dulot ng pandemya dahil sa tuloy-tuloy na vaccination program sa bawat lugar sa lalawigan.

Samantala, nagpapasalamat naman si De Guzman sa mga Pangasinense na nagpapabakuna laban sa sakit maging ang mga healthcare workers. | ifmnews

Facebook Comments