Pagdami ng mga Pinoy na overworked, pinaparepaso ni Senator Poe

Manila, Philippines – Inihain ni Senator Grace Poe ang senate resolution 316 na nagsusulong ng imbestigasyon sa pagtaas ng bilang ng mga Pilipino na overworked.

 

Ang hakbang ni Senator Poe ay kasunod ng report ng Philippine Statistics Authority na tumaas ng 41 percent ang dami ng mga Pilipinong overworked o nagtatrabaho ng mahigit 48 oras sa loob ng isang linggo sa nakalipad na 20 taon.

 

Lumitaw na sa mga pag-aaral na ang pagkabugbog sa sobrang trabaho ay nagiging sanhi ng malubhang karamdaman, matinding stress at nakamamatay din.

 

Target ng resolusyon ni Senator Poe na marepaso ang mga umiiral na batas sa paggawa lalo na yaong nagtatakda ng patakaran ng mga kumpanya sa oras ng serbisyo ng kanilang mga empleyado.

 

Sa statistics nung 2015, ay nasa 8.1 million ang overworked na mga pilipino at tumaas ito ng 41.2 percent kumpara sa 5.74 million na naitalang overworked Filipinos nung 1995.

 

Binigyang diin ng senadora, nakapaimportante na bigyan ng halaga ag work-life balance dahil hindi lamang sa trabaho umiikot ang mundo ng mga manggagawa kundi dapat may oras din sila sa kanilang sarii, kalusugan at pamilya.

 

Ikinatwiran pa ng senadora na bagamat kailangang kumita ay hindi dapat payagan ang pag abuso at labis na pagpapahirap sa mga manggagawa.

Facebook Comments