Nababahala ang isang kongresista sa pag-dami ng kasong may kinalaman sa POGO.
Dahil dito, muling iginiit ni House Committee on Games and Amusement Chairman at ACT-CIS Rep. Eric Yap sa Bureau of Immigration na higpitan ang pagbibigay ng working permits para sa mga dayuhang nagta-trabaho sa POGO.
Aniya, ngayong buwan lamang ay may naitalang kaso ng tangkang pagkidnap sa walong Chinese POGO workers sa NAIA at isang insidente ng pagdukot sa magkasintahang Chinese na pinakawalan rin makaraang makapagbayad ng ransom ang kanilang mga pamilya.
Dapat umanong magsilbing wake-up call ito sa mga otoridad lalo’t walang nakakasuhan at nakukulong sa mga krimeng ito.
Binigyang diin ng kongresista na malaking insulto sa pulisya ang walang takot at lantarang paggawa ng krimen ng mga Chinese dahil alam nilang wala namang mapapanagot at pupuntahan ang kaso.