Pagdami ng presenya ng mga Chinese sa bansa minomonitor ng AFP

Hindi binabalewala ng Armed Forces Of The Philippines ang pagdami ng presenya ng mga Chinese sa bansa sa halip minomonitor nila ang mga ito.

Ayon kay AFP Spokesperson Brig Gen Edgard Arevalo may mga report silang natatangap sa pagdami ng Chinese sa Pilipinas.

Para sa heneral nakaka alarma ito lalo’t sumasabay ang pagdami ng Chinese sa Pilipinas sa maraming aktibidad ng China sa bansa katulad ng pagdaan ng kanilang barko sa West Phil Sea, pagdevelop ng kanilang mga    itinatayong mga gusali at marami pang iba.


Giit ni Arevalo importanteng matukoy ang layunin ng pagdami ng mga Chinese sa Pilipinas.

Pero hindi lamang aniya AFP ang dapat tumututok dito kailangan ang tulong ng Bureau Of Immigration at Department Of Foreign Affairs para malimitahan at matukoy kung lehitimo ang mga pumapasok na Chinese sa bansa.

Sa ngayon aniya itutuloy lang nila ang pagmonitor sa mga Chinese, irereport ang kilos ng mga ito sa ibang Govt Agencies para magamit sa kanilang mga susunod na hakbang.

Facebook Comments