PAGDAMI NG TAO NA UUWI SA ISABELA NGAYONG PALAPIT NA BAGONG TAON, INAASAHAN NA

Ilang araw pagkatapos ng selebrasyon ng pasko inaasahan na ang pagdagsa muli ng mga byaherong uuwi sa Isabela para naman salubungin ang bagong taon.

Ayon sa naging panayam ng 98.5 iFM Cauayan kay Annttonette Asuncion, dispatcher sa isang kilalang bus company, inaasahan umano na bubuhos pa ang mga pasahero sa nasabing terminal hanggang Disyembre 30.

Karamihan umano sa mga ito ay mga humahabol pa ng kanilang bakasyon sa probinsya.

1st week palang umano ng Disyembre ay fully book na sila at wala ng available na slot mula December 30 hanggang January 2, 2023.

Kaugnay nito, nakahanda at naka full alert status parin ngayon ang PNP Cauayan at Public Order and Safety Divisy upang bantayan ang mga lansangan sa lungsod lalo na ang SM Terminal.

Pinapayuhan naman ng mga otoridad ang publiko na iwasan ang pagdadala o pagsusuot ng mga mamahaling alahas sa pampublikong lugar na mainit sa mata ng mga kawatan.

Facebook Comments