SANGGOL PATAY NA NG MATAGPUAN SA KULUNGAN NG BABOY

New Washington, Aklan – Patay na ng matagpuan ang isang sanggol sa kulungan ng baboy Lunes ng umaga sa Sitio Bantud, Brgy. Puis, New Washington, Aklan.
Base sa salaysay ni Mr. Francisco Nerval na may ari ng baboy sa RMN News Team na magpapakain sana siya ng kanyang alagang baboy mga bandang alas 6:30 ng umaga ng makita niya ang sanggol.
Bagong silang ito dahil na nakita pa niya ang bagong putol na pusod, lalaki at walang saplot subalit wala na ang ibang daliri nito na pinaniniwalaang kinain ng kanyang mga alagang baboy.
Wala rin silang narining na iyak ng sanggol bago ito matagpuan at kung merong pumasok sa kanilang bakod.
Pinaniniwalaan nila at ng ilang residente sa lugar na baka hatinggabi o madaling araw na itinapon doon ang sanggol.
Sa ngayon ay nagsasagawa na ng imbestigasyon ang New Washington PNP sa lugar kung sino ang mga buntis na nanganak na o kung sino man responsable sa pagtapon ng sanggol doon.
Agad naman na kinuha ng LGU-New Washington ang sanggol sa lugar para mabigyan ng basbas sa simbahan at mabigyan ng tamang libing.
Facebook Comments