Pagdami ng tatamaan at bilang ng masasawi sa COVID-19 sa mga susunod na araw, ibinabala ng health expert; Pamamalakad sa DOH, pinatututukan!

Nagbanta ang health expert na si Dr. Anthony Leachon sa posibilidad na tumaas pa ang kaso at bilang ng masasawi sa COVID-19 sa mga susunod na linggo.

Sa interview ng RMN Manila, binigyang-diin ni Leachon na hindi kasi nagtutugma ang polisiya at implementasyon sa Inter-agency Task Force (IATF) kung saan sa kabila aniya ng pagtaas ng COVID-19 cases, positivity rate at full capacity ng mga ospital dahil sa Delta variant ay niluwagan pa ang quarantine status.

Babala ng dating COVID-19 task force adviser sa pamahalaan, baguhin ang pamamalakad sa Department of Health (DOH) lalo ngayong nahaharap sa kontrobersya ang kagawaran upang hindi maiwasan ang pagkawala ng marami pang buhay.


Batay sa pinakahuling datos ng DOH, pumalo sa 16,044 ang bagong kaso ng COVID-19 dahilan upang umakyat na sa 1,839,635 ang kabuuang kaso sa bansa.

Nasa 13,952 naman ang bagong gumaling habang 215 ang naitalang nasawi.

Facebook Comments