Pagdami ng water lily sa Ilog Pasig, resulta ng polusyon, ayon sa DENR

Naniniwala ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) na ang tila “pananakop” ng water lilies sa ilang bahagi ng Ilog Pasig ay bunga ng polusyon mula sa mga fertilizers na ginagamit sa aquaculture farming at maging sa domestic wastes.

Ayon sa Pasig River Coordinating and Management Office (PRCMO), ang mga water lilies o water hyacinths ay kadalasang umuusbong sa ilog tuwing tag-ulan.

“The recent proliferation of the aquatic plant in the Pasig River can be attributed to the high level of nutrients in the water, probably because of aquaculture farming areas in the upstream portion of the Pasig River System, as well as due to the domestic wastes that drain from the tributaries to the main river,” sabi ng PRCMO.


Nanawagan ang DENR sa publiko na maging responsable sa mga itinatapong basura para maiwasan ang paglala ng pagdumi ng Ilog Pasig.

Sa ginanap na cleanup sa Parola, Tondo nitong weekend, nakapagkolekta ang mga ‘river warriors’ ng 120 sako ng basura sa riverbanks malapit sa bukana patungong Manila Bay.

Karamihan sa mga basurang narekober ay domestic o household wastes mula sa mga residenteng nakatira malapit sa daluyan ng tubig at water lilies na nanggagaling ng Laguna de Bay.

Ang water hyacinth o mayroong scientific name na “Eichhoria crassipes” ay isang aquatic plant na maaring mabuhay at dumami habang nakalutang sa freshwater.

Facebook Comments