Mga employer, hiniling na palawigin ang re-hiring period para sa COVID-19 displaced workers – DOLE

45

Hiniling ng mga employer sa Department of Labor and Employment (DOLE) na palawigin pa ng hanggang anim na buwan ang rehiring period para sa kanilang mga manggagawang pansamantalang naapektuhan ng COVID-19 pandemic.

Ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello III, umaapela ang mga employer ng extension dahil hindi pa rin maganda ang “business climate.”

“They are appealing, the management group, employers group, to possibly give them another six months extension because they said the business climate is still not good,” sabi ni Bello.

Pinag-aaralan na nila ang hiling ng mga employers kung maaari ba itong palawigin ng anim na buwan.

Paliwanag ng kalihim na nakasaad sa batas, kung pansamantalang na-terminate ang isang empleyado ay kailangang i-rehire ito pagkatapos ng anim na buwan.

Inaasahang maglalabas sila ng desisyon hinggil dito ngayong linggo.

Facebook Comments