Pagdaraos ng ASEAN Summit sa bansa, naging mapayapa

Manila, Philippines – Naging mapayapa ang isinagawang 30th Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) Summit sa bansa.

Ayon kay NCRPO Director General Oscar Albayalde, wala silang na-encounter na anumang untoward incident habang ginaganap sa bansa ang ASEAN Summit simula pa noong lunes.

Gayunman, hindi aniya sila nagpapakasiguro dahil mananatiling mahigpit ang seguridad hanggang sa matapos lahat ng aktibidad ng ASEAN.


Dadgdag pa ng opisyal,ligtas na nakaalis sa bansa ang ilang ASEAN leader at mga delegates.

Gayunman, todo pa rin ang kaniyang pagbabantay dahil karamihan sa mga lider ay nanatili pa sa Pilipinas.

Facebook Comments