Maghihintay pa hanggang sa susunod na taon ang Gilas Pilipinas Men 3X3 para makakuha ng slot sa Tokyo Olympics.
Ito ay matapos i-usog sa may 2021 ang pagdaraos ng International Basketball Federation (FIBA) 3X3 Olympic Qualifiers dahil sa COVID-19.
Ayon kay Austria Vice-Chancellor and Sports Minister Werner Kogler, ang anunsiyo ay kasunod na rin ng pagpapaliban sa 2020 Tokyo Olympics na inilipat sa July 21, 2021.
Kasabay nito, tiniyak naman ni FIBA Executive Director for Europe Kamil Novak na pagpaplanuhang mabuti ng Austria, na siyang country host ang pagdaraos ng kompetisyon.
Nabatid na anim na koponan lamang ang makakakuha ng slot sa 3X3 Olympic Qualifiers kung saan awtomatiko nang kasama ang top three-ranked nations na China, Serbia, at Russia.