Pangulong Duterte, wala pang desisyon kung sasamahan si Senator Go sa paghahain ng withdrawal ng kandidatura

595

Walang pang pinal na desisyon si Pangulong Rodrigo Duterte kung muli nitong sasamahan si Senator Christopher ‘Bong’ Go sa paghahain ng withdrawal.

Kasunod ito ng pag-atras ni Senator Go sa kaniyang presidential race para sa eleksyon 2022.

Ayon kay acting Presidential Spokesperson at Cabinet Secretary Karlo Nograles, personal na desisyon na ito ni Pangulong Duterte.


Pinayuhan naman nito ang publiko na hintayin na lamang ang anumang desisyon ng pangulo.

Sa ngayon, maliban sa kandidatura ni Senator Go ay sinabi ni Nograles na kailangan din ng mahabang panahon ng pangulo kung sino ang magiging susunod nitong successor.

Facebook Comments