Manila, Philippines – Binanatan ni Senator Francis Kiko Pangilinan ang desisyon ng Kamara na magdaos ng plenary session mamayang hapon sa Batangas City.
Diin ni Pangilinan, patong patong na ang inaasikaso ng mga taga-Batangas at Cavite dahil sa pagputok ng Bulkang Taal na pinangangambahang sumabog pa ng malakas.
Ayon kay Pangilinan, 500,000 mga kababayan natin ang inilikas sa nabanggit na mga lalawigan dahil sa kalamidad.
Dismayado si Pangilinan na sa gitna ng ganitong sitwasyon ay kailangan pa nilang asikasuhin ang 300 mga pulitiko sa mababang kapulungan pati kanilang mga staff at security personnel.
Giit ni Pangilinan, sana ay huwag ng maging dagdag pasanin ang Kamara sa gitna ng kalamidad.
Facebook Comments