Pansamantalang sinuspinde ng National Collegiate Athletic Association (NCAA) ang pagdaraos ng pangkalahatang kampeyonato para sa season 95 dahil sa kakulangan sa paghahanda kontra COVID-19.
Ayon kay Peter Cayco ng Arellano University, kulang-kulang ang mga manlalarong maglalaban-laban mula sa iba’t ibang unibersidad.
Kailangan din aniyang mapagplanuhang mabuti ang pagbabalik-laro ng mga kompetisyon bilang pag-iingat na rin sa posibleng pagkahawa sa nasabing sakit.
Una nang sinuspinde ang indoor volleyball, tennis tournaments, beach volleyball, track and field at cheerleading competition habang posibleng idaos sa susunod na taon ang ilang pang pangunahing palaro.
Facebook Comments