Mga gumaling sa COVID-19, umabot na sa mahigit 260 sa San Juan City

Umakyat na sa 269 na pasyente na tinamaan ng COVID-19 ang gumaling, kung saan 45 ang nasawi at 25 na lang ang active cases ng COVID-19 sa San Juan City.

Ayon kay San Juan City Mayor Francis Zamora, mahigpit ang kanilang pagpapatupad ng social distancing sa lahat ng mga barangay ng lungsod upang matiyak na hindi na madadagdagan pa ang bilang ng mga nahahawaan at namamatay dahil sa COVID-19.

Paliwanag ng alkalde, bukod sa pagpapaalala sa lahat ng mga residente ng San Juan City na palagiang maghugas ng kamay at ipatupad ang social distancing, ay hindi rin sila tumitigil sa pamamahagi ng mga ayuda kung saan umabot na sa 11th wave ng relief packs ang kanilang ipinamahagi sa mga Barangay ng Kabayanan at Maytunas.


Giit ni Zamora, hindi siya titigil sa pamamahagi ng mga relief packs hangga’t hindi nabibigyan ang lahat ng mga residenteng apektado ng COVID-19.

Facebook Comments