Pagdaraos ng mapayapang eleksyon, tiniyak ng mga bagong pinuno ng PNP at AFP

Kapwa tutukan ng mga bagong pinuno ng Philippine National Police (PNP) at Armed Forces of the Philippines (AFP) ang seguridad para sa nalalapit na eleksyon 2022.

Sa inaugural speech ni PNP Chief Police Lt. Gen. Dionardo Carlos, sinabi niyang sisikapin niyang maging tahimik at nasa ayos ang gagawing pagboto ng mga Pilipino.

Ganito rin ang sinabi ng bagong talagang AFP Chief of Staff na si Lt. Gen. Andres Centino.


Sinabi ni PNP chief para maging maayos ang seguridad, ipagpapatuloy ng PNP ang laban sa kriminalidad at terorismo.

Palalakasin umano ng PNP ang police area command  para mas maging agresibo sa paglaban sa insurgency at mga private armed groups.

Ayon naman kay Lt. Gen. Centino, titiyakin niya sa mga Filipino na magkakaroon ng payapa maayos at tapat na eleksyon sa 2022 dahil hindi titigil ang militar sa kanilang maigting na operasyon laban sa mga local terrorist group na posibleng manggulo sa panahon ng halalan.

Facebook Comments