Suspek sa pagpatay sa tatlong indibidwal sa Daraga, Albay, hawak na ng pulisya

Hawak na ng Daraga Municipal Police Station si Peter Joemel ‘Bikoy’ Advincula bilang suspek sa pagkamatay ng isang konsehal at dalawang kandidato sa munisipalidad ng Donsol, Sorsogon.

Ayon sa inisyal na ulat ng Bicol Regional Police, humingi ng tulong ang kasama ng mga biktima na si Lalaine Herrera Amor sa pulis dahil nawawala ang tatlo matapos makipagkita kay Bikoy para pag-usapan ang Bongbong Marcos Movement campaign.

Maliban dito, may mga nakasaksi rin na si Bikoy ang huling nakasama ng tatlo bago matagpuang wala ng buhay sa Ukay-ukay store sa CAN Building sa Barangay Busay, Daraga.


Una nang kinilala ang mga biktima na sina Councilor Helen Advincula Garay, Kareen Averilla, 44, at Xavier Mirasol, 61.

Sa ngayon, patuloy pang inaalam ng otoridad ang motibo sa pagpaslang at kung may iba pang sangkot sa krimen.

Facebook Comments