Pinayuhan ng Department of Health (DOH) ang publiko na i-hold o huwag muna isagawa ang kanilang mga tradisyon ng Semana Santa dahil sa patuloy na banta ng COVID-19.
Ayon kay Health Spokesperson Maria Rosario Vergeire, inaasahan na kasi nilang dadagsa ang mga Katoliko sa mga simbahan tuwing Semana Santa.
Aniya, mainam din na huwag na munang isagawa ang paghalik sa mga relihiyoso na imahe dahil ang COVID-19 ay kumakalat sa pamamagitan ng droplets.
Bagama’t nauunawaan ng DOH ang pananampalataya ng mga Pilipino, sinabi ni Vergeire na hindi rin nila nirerekomenda ang pagpapako sa krus dahil posible itong pagmulan ng impeksyon.
Nauna nang binalik ng Quiapo Church noong isang linggo ang kanilang “Pahalik” sa imahe ng Itim na Nazareno.
Tiniyak din ng Quiapo Church na tanging pagpapahid lang ng kamay ng mga deboto ang kanilang pinapayagan sa imahe ng Itim na Nazareno.