DOH, inaayos na ang mga ido-donate na COVID-19 vaccines sa Myanmar at Papua New Guinea

62

Inaayos na ng Department of Health (DOH) ang mga COVID-19 vaccines na ido-donate sa Myanmar at Papua New Guinea.

Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, ipinasapinal na lamang ang bilang ng vaccine doses at kung aling mga brand ang ido-donate ng bansa.

Tiniyak naman ng National Task Force Against COVID-19 na nakikipagtulungan na ang gobyerno sa mga manufacturer para palawigin ang shelf life ng mga COVID-19.


Nauna na kasing sinabi ni Presidential Adviser for Entrepreneurship Joey Concepcion na aabot ng 27 milyong COVID-19 vaccines ang mae-expire nitong Hulyo.

Facebook Comments